Mahal,
isa pa.
Hindi pa sapat
ang oras at araw;
hindi pa tapos
ang tadhana at langit;
hindi pa pagod
ang puso at isip.
Mahal,
kaya ko pa
maghintay,
at umasa,
at lumaban—
kahit mag-isa,
kahit wala na,
kahit talo na.
Mahal,
ikaw pa rin
ang kahapon,
at bukas,
at ngayon;
ikaw pa rin
ang hinahanap,
at panalangin,
at pangarap;
ikaw pa rin
ang aking buwan,
at araw,
at bituin;
ikaw pa rin
ang tahanan
at uuwian;
ang iiyakan
at hahagkan;
ang minahal,
at minamahal
Mahal,
dito lang ako
maghihintay,
at aasa,
at lalaban;
magmamahal,
at mas magmamahal—
nang mas tapat,
mas buo,
at mas totoo.
Mahal,
isa pa.
Kaya ko pa.
Ikaw pa rin.
Dito lang ako.
Mahal pa kita.